numb queen

bakit minsan kapag nagmahal ka e wala sa tamang panahon at nauukol sa maling tao… biktima ako nito ng maraming taon at hanggang ngayon ganito pa rin… nagdaan ang maraming araw at marami akong nakilala, nakausap at nagustuhan, ngunit ano ito? pagkakita ko sa kanya aba’t tumibok yaring puso! ang corny pakinggan pero totoo… ilang beses ko na din nadama ang ganito pero kapag tuluyan na akong nahuhulog may balitang dumadating na siya pala ay may tinatangi na nang iba… ouch! masaket… si um, si eh, at si ah… aba at tatlo na pala sila! pare-parehong istorya… iisa ang tema… iisa ang bida… iisa ang talunan… ako… sa larangan ng pagibig kulelat talaga ako pero sa pagbibigay ng payong puso eh numero uno ako dyan! ewan ko ba, siguro ang landas na patutunguhan ko e maging tagapayo sa mga pusong may lamat… pero eto ako sarili kong lamat e di ko mapagaling… kumbaga sa fairytale eh naghintay ng matagal ang princess para sa pag ibig na wagas, isispin mo na lang si sleeping beauty, natulog ng mapakahabang panahon upang gisingin ng isang halik ng prince charming… kung ako si sleeping beauty pagkagising ko e sasampalin ko si prince charming at sasabihin ko na, "ang tagal mo naman, sana noon ka pa dumating, noong marunong pa akong magmahal."

tama. hindi na ako marunong magmahal. nakakapagod maghintay at magpakaburyo sa mg pangarap na di natutupad. nakakaamag mag isip. nakakapanis humanga. sa paulit ulit na pagkabigo, nakakamanhid. pakiramdam ko minsan nakakalbo na ako. nakakapanghina tumayo at magmahal ulit, yun bang ikaw lang ang nagmamahal sa kanya at hindi niya alam kasi di mo pwedeng sabihin o ipadama kasi hindi talaga pwede. kakapaksyet yun! si um at si eh, footah taon ang binilang ko bago ako nag sawa, si um, walang kapaga-pagasa. si eh, wheee…. ewan ko makita ko lang sya masaya na ako, pero kung paano kung kausapin nya ako? wahu! ang saya ko! heaven pare! pula langit! he3! etong si ah bago pa lang e nasaktan na ako.. huwaphak!

sana hindi na lang naimbemto yung palihim na pagmamahal kasi nakakapagod. sabi nga ng kaibigang kong si luis, "ayoko nang ipursue, all this years of loving her (in my case, him) and not doing anything about it, I’m finally moving on, I’m letting go."

eto ang expertise ko…. MOVING ON… LETTING GO… and BEING NUMB…

One Response to “numb queen”

  1. Nick Says:

    ganyan talaga dude…sakyan nlang natin yan dhil wla na rin mag babago,but anywy buhay pa tau maraming pang darating na mga walang kwntang bagay wag n taung umasa may magandang mangyayari..asa pa tau magmumukalang tau tanga!!

    yellowcard song try ung pkinggan u dude FIREWATER its a emo punk song…astig yun !!

Leave a Reply