dramathon.. kakadepress kasi eh…

lumilipas ang maghapon at walang pagbabago sa buhay…. oras ay tumatakbo at ang pagtanda’y naglalakad… minsan naisip ko kung tinakda ba talaga na madalas akong lumuha…nakaguhit sa sa aking palad na malimit akong mabigo…. at nakaikot ba sa aking tala na ako’y lumaki na walang wala… sa lahat ng aspeto ng buhay halos wala pang kalahati ang aking alam, madalas akong mag isip kung ano ba talaga ang kelangan ko pang matutunan upang matawag ko ang buhay na…. KUMPLETO…. sino bang dapat kong kausapin, makilala, matularan… ngunit minsan naiisip ko ako lang ang may sagot ng buhay na ako ang nagpapatakbo… pero madalas pagliko ko nababangga ako’t nawawasak… dito nagsisimula ang pagpatak ng luha… dito umaagos ang sidhi ng pangungulila at bahid ng kalungkutan… nung pinitik ako ng tadhana di ko naramdaman… ngayon pagluha sa gabi at buntung hininga sa magdamag ang aking kapiling… walang hanggang pag iisa ang aking nadarama… kapiling ko ang lungkot na sa hangin ay dumadampi lagi sa aking pisngi… akala ko lahat ng kaibigan ko ay tutulong sa pagpawi nito pero hindi pala…. dumagdag pa ang iba… ngayon iilan lang ang humahaplos at pumapawi… nadarama ko hanggang sa kaibuturan ng aking puso ang pagluha at pagluluksa… kelan kaya matatapos ang paghikbi ng aking puso?

One Response to “dramathon.. kakadepress kasi eh…”

  1. Nick Says:

    mai ilang katol ba tinira mo? emote na emote ka ah,best aktres ung dating,pang best actres in a comedy role ung dating,naiiyak na ako sa mga pinagsasabi mo i cant help it,pls stop doing dat, tumutulo na sipon ko…ang lalalim pa ng mga salitang ginamit mo halatang katatapos mo lang mg turo sa klase mo ah,anyway ito lang mapapayo ko bilang isang tunay na kaibigan swabe at mabango,saksakan at ubod na gandang lalakeng ako!! ………KUMAIN KA NA NGA LANG GUTOM LANG YAN D KA NANAMAN NG BREAK CGURO,nalipasan ka nanaman eh,…..mwhuaaa!!!

Leave a Reply