Archive for April, 2005

senti lang..

Friday, April 22nd, 2005

Minsan, Sana, Tayo

Minsan naisip kita. Minsan naalala pa. Minsan naalala ko pa yung panahong minsan nakausap kita. Ang saya ng aking nadama, inisip ong ikaw din. Minsan naalala ko nung nag-joke ka, natawa sila, tiningnana lang kita. Sabi ko pa nga ang corny mo pero sa totoo lang, kinilig ako… Akala ko nga okey tayo, hindi naman close, di rin magkaibigan talaga, ang tamang salita — "magkakilala"… parang kaeskwela. Wala kang kaalam-alam na mahal na pala kita. Kung pwede lang sabihin, kung pwede ko lang banggitin, matagal ko nang ginawa. Kaya lang natatakot akong bigla kang mawala. Sana kung pareho tayo ng nararamdaman mas madaling intindihin lahat. Gusto kong ipa-obvious kaya lang baka mapahiya ako. Antagal kong naghintay para sa tamang panahon pero nang gusto ko nang umamin, may mahal ka nang iba. Masakit tingnan na masaya ka sa kanya, mas maganda sana kung kamy ko ang hawak mo at paulit ulit na sasabihin na mahal mo ako.

Lumipas ang mga taon at eto pa rin ako patuloy na nagmamahal sayo. Sana kapag nagkita tayong muli maamin ko, masabi ko ang noong matagal ko nang tinatago, itong nararamdaman ko para sayo.